top
US
US
Indybay
Indybay
Indybay
Regions
Indybay Regions North Coast Central Valley North Bay East Bay South Bay San Francisco Peninsula Santa Cruz IMC - Independent Media Center for the Monterey Bay Area North Coast Central Valley North Bay East Bay South Bay San Francisco Peninsula Santa Cruz IMC - Independent Media Center for the Monterey Bay Area California United States International Americas Haiti Iraq Palestine Afghanistan
Topics
Newswire
Features
From the Open-Publishing Calendar
From the Open-Publishing Newswire
Indybay Feature

Pagpupugay kay Ka Bel

by KMU
Pumanaw na ang Great Grand Old Man ng Philippine Labor. Pinakamataas na pagpupugay ang ibinibigay namin sa kanya.”

Ito ang pahayag ni Elmer ‘Ka Bong’ Labog sa di inaasahang pagkamatay ng Chairman Emeritus ng KMU na si Crispin ’Ka Bel’ Beltran. Pumanaw siya sanhi ng malulubhang head injuries matapos mahulog mula sa bubong ng bahay ng kanyang anak sa San Jose Del Monte, Bulacan.

ka_bel002_1.jpg
Pinakamataas na pagpupugay sa KMU Chairman Emeritus

Manila--“Pumanaw na ang Great Grand Old Man ng Philippine Labor. Pinakamataas na pagpupugay ang ibinibigay namin sa kanya.”

Ito ang pahayag ni Elmer ‘Ka Bong’ Labog sa di inaasahang pagkamatay ng Chairman Emeritus ng KMU na si Crispin ’Ka Bel’ Beltran. Pumanaw siya sanhi ng malulubhang head injuries matapos mahulog mula sa bubong ng bahay ng kanyang anak sa San Jose Del Monte, Bulacan.

“Nakapanluluksa ang araw na ito para sa mga obrero hindi lamang sa bansa, kundi sa lahat na rin ng anakpawis sa mundo. Isa siyang dakilang lider manggagawa at tagapagtanggol ng karapatan na kinikilala at nirerespeto ng marami, laluna ng mga pinaka-pinagsasamantalahan at pinaka-api. Mangungulila kami sa kanyang pagkawala sa pakikibaka ng mamamayan at sa militanteng kilusang paggawa na pinangungunahan ng KMU. Ngunit tatanganan at ipagpapatuloy namin ang kanyang mga ipinaglalaban,” ani Labog.

“Hindi man natupad ang kagustuhan ni Ka Bel na sa lansangan siya mamatay nang lumalaban, ang pagkamatay niya ay hindi pa rin mabababale-wala. Ang buong buhay niyang inalay niya sa paglilingkod sa mamamayang Pilipino at iba pang pinagsasamantalahan sa daigdig ay higit pa para ituring siyang bayani, ” dagdag ni Labog.

Nanawagan si Labog sa lahat ng kasapi ng KMU na magsagawa ng vigil ngayong gabi upang bigyan ng nararapat na parangal ang magiting na lingkod ng manggagawa at taumbayan.###
§Ka Bel- Bayani ng Mga Anak-Pawis
by KMU
640_img_1034.jpg
“Nakapanluluksa ang araw na ito para sa mga obrero hindi lamang sa bansa, kundi sa lahat na rin ng anakpawis sa mundo. Isa siya (Ka Bel) sa mga dakilang lider manggagawa at tagapagtanggol ng karapatan na kinikilala at nirerespeto ng marami, laluna ng mga pinaka-pinagsasamantalahan at pinaka-api. Mangungulila kami sa kanyang pagkawala sa pakikibaka ng mamamayan at sa militanteng kilusang paggawa na pinangungunahan ng KMU. Ngunit tatanganan at ipagpapatuloy namin ang kanyang mga ipinaglalaban,
Add Your Comments
We are 100% volunteer and depend on your participation to sustain our efforts!

Donate

$135.00 donated
in the past month

Get Involved

If you'd like to help with maintaining or developing the website, contact us.

Publish

Publish your stories and upcoming events on Indybay.

IMC Network