From the Open-Publishing Calendar
From the Open-Publishing Newswire
Indybay Feature
KAMPANYA SA ELEKSYONG PRESIDENSYAL 2010 LALONG PANG UMIINIT
Lalo pang umiinit ang labanan sa pagkapangulo ng Pilpinas. Ito ay ayon sa mga mampulitikang observers ng PESANTE sa Maynila at sa Los Angeles. Nabigo ang grupong nais diumano i-“censure” o punahin si NP candidate Manny Villar sa senado na ipasa ang censure resolution nang hindi ito makakuha ng quorum sa nakaraang sesyon ng senado. Mukhang nagboykot ang minorya kaya walang quorum sa huling sesyon ng senado.
KAMPANYA SA ELEKSYONG PRESIDENSYAL 2010 LALONG PANG UMIINIT
Kampanya sa Eleksyong Presidensyal 2010, Umiinit
EPCC News
January 19, 2009
KAMPANYA SA ELEKSYONG PRESIDENSYAL 2010 LALONG PANG UMIINIT
Los Angeles—Lalo pang umiinit ang labanan sa pagkapangulo ng Pilpinas. Ito ay ayon sa mga mampulitikang observers ng PESANTE sa Maynila at sa Los Angeles.
Nabigo ang grupong nais diumano i-“censure” o punahin si NP candidate Manny Villar sa senado na ipasa ang censure resolution nang hindi ito makakuha ng quorum sa nakaraang sesyon ng senado. Mukhang nagboykot ang minorya kaya walang quorum sa huling sesyon ng senado.
Labis naman itong ikinagalit ni Senador Jinggoy Estrada na bumatikos sa mga lumiban sa sesyon sa kanyang talumpati dito. Naunang pumirma sa resolusying nagpapawalang sala kay Villar si Estrada ngunit ito ay pumirma sa huling resolusyong bumabatikos at magcecensure sana kay Villar.
Nagdesisyon diumano ang mayorya sa Senado na punahin “censure” si Senador Villar at hinihiling na ibalik nito ang may P 2.6 bilyong diumano ay ninakaw nito sa bayan. Ngunit hindi ito pinapansin ni Villar at binansagan pa itong “walang kwenta at isang pirasong papel” ng tagapagtanggol ni Villar na si Senador Rene Cayetano.
Pinirmahan diumano ng may 12 senador na kaaway ni Villar ang dokumento ayon sa pangulo ng senado na si Senador Juan Ponce Enrile.
Ito naman ay kinontra ng minorya sa pamununo ni Senador Aquilino Pimentel Jr, tagapagtaguyod ni Villar.. Maliwanag na isa itong pampulitilkang maniobra sa harap ng umiinit na kampanya sa pangpanguluhan ng Pilipinas sa Mayo 2010.
Mga Atake laban kay Noynoy at Kris Aquino
Ngunit hindi lamang si Villa ang nasa mainit na hurnong pampulitika. Si Sendor Aquino ay lumasap din ng matitinding atake dahil sa paninindigan nitong hindi dapat humirang si Arroyo ng punong mahistrado. Lalo pa itong uminit ng magpahayag siya na “ hindi niya Gloria Macapagal-Arroyo kapalit ni Hepe Mahistrado Puno.
Mainit na talakayan at marami ang nagsasabing hindi dapat humirang ng kapalit ni Puno ng panahon ng eleksyon. Ngunit nagpipilit ang mga alipures ni GMA na gawin ito bago mageleksyon sa kanilang paniniguro sa hinaharap. Bawal sa pangulo na maghirang ng anumang opisyal bago mageleksyon. Ngunit ipinipilit ng gma tagapagtaguyod ni GMA ang bagay na ito.
Isa pang linya ng atake ay ang pinasok na alingasgas ng kapatid nitong si Kris Aquino. Bagamat hindi dapat, isinasangkot ang usapin ni Kris sa kapatid nito na hindi naman dapat maging isang usaping pulitika. Ngunit ayon sa mga observers, sa pag-atake kay Kris ay lalo lamang tataas ang popularidad ni Noynoy dahil dito.
Binabatikos din ang hindi pagsipot ni Aquino sa isang talakayan hinggil sa diplomasya at usaping pandaigdig na dinaluhan ng ilang kandidato. Abala diumano si Noynoy sa pangangampanya sa La union, kung saan siya mahina. Hindi rin dumalo si Joseph Estrada sa debate sa Carlos P. Romulo Foundation.
Suporta kay Binay, hindi kay Erap
Nagpahayag naman ng suporta para kay Mayor Jejomar Binay siSenador Francis Escudero. Ngunit tahasang hindi nito sinuportahan si Estrada sa pagka-pangulo. Isa itong malaking pagbabago sa kampanya para kay Binay. Nakikitang malaking dagdag ang endorso ni Escudero para kay Binay.
Samantala inaabangan ng lahat ang paghaharap ng sakdal laban kay Senador Panfilo Lacson. Inaasahang totohanin ng DOJ ang pagsasampa ng demanda laban sa senador na nasasangkot at itinuturong mastermind ng pagpatay kina Bobby Dacer-Corbito noong 2001. Ayon kay Enrile kukupkupin nila sa Senado si Lacson.
Nauna dito, isingangkot ni Mancao, pangunahing testigo sina Estrada at Lacson sa pagpatay kina Dacer-Corbito noong 2001. Nadakip si Mancao sa Amerika at kinuha pa ng gobyerno para tumestigo laban kay Lacson ngunit isinangkot nito si Estrada sa kaso ng makabalik ito noong 2009.
*********
Add Your Comments
We are 100% volunteer and depend on your participation to sustain our efforts!
Get Involved
If you'd like to help with maintaining or developing the website, contact us.
Publish
Publish your stories and upcoming events on Indybay.
Topics
More
Search Indybay's Archives
Advanced Search
►
▼
IMC Network