top
International
International
Indybay
Indybay
Indybay
Regions
Indybay Regions North Coast Central Valley North Bay East Bay South Bay San Francisco Peninsula Santa Cruz IMC - Independent Media Center for the Monterey Bay Area North Coast Central Valley North Bay East Bay South Bay San Francisco Peninsula Santa Cruz IMC - Independent Media Center for the Monterey Bay Area California United States International Americas Haiti Iraq Palestine Afghanistan
Topics
Newswire
Features
From the Open-Publishing Calendar
From the Open-Publishing Newswire
Indybay Feature

Sukdulan sa Langit ang Pagiging Garapal at Pasista ng Rehimeng-US- Arroy

by Pesante-USA
– Sa paghirang sa kanyang masusugid na tagasunod sa military at mga garapal na lumalabag sa karapatang pantao, tuluyan nang inilantad ni Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang pagiging papet pasista at teroristang anti-masa.Hindi lamang nito hinirang si Hermogenes Esperon bilang Hepe ng AFP kundi itinaas pa sa ranggo ang mga masusugid na pasista at mamatay-taong sina Heneral Romeo Tolentino ng NOLCOM bilang Hepe ng Philippine Army at iba pang opisyal. ulad ni Marcos nakahanda na ang hatol ng masa at ng kasaysayan sa kanyang paghahari. Kung gaano katagal, nasa pagkilos na lamang at mga sirkumstansya ng hinaharap na panahon ang kapasyahan. Walang kahahatungan ang mga abuso at pagmamalabis ng rehimen laban sa bayan kundi ang humantong sa dapat kasapitan ng lahat ng mga palalo at mapagmalabis—ang basurahan ng kasaysayan!


Pahayag


Sukdulan sa Langit ang Pagiging Garapal at Pasista ng Rehimeng-US- Arroyo

San Francisco/Bay Area– Sa paghirang sa kanyang masusugid na tagasunod sa military at mga garapal na lumalabag sa karapatang pantao, tuluyan nang inilantad ni Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang pagiging papet pasista at teroristang anti-masa.

Hindi lamang nito hinirang si Hermogenes Esperon bilang Hepe ng AFP kundi itinaas pa sa ranggo ang mga masusugid na pasista at mamatay-taong sina Heneral Romeo Tolentino ng NOLCOM bilang Hepe ng Philippine Army at iba pang opisyal.

Para sa Pesante-USA, senyales ito ng pagiging manhid at walang pakialam ni Arroyo sa mga protesta ng masa at ng mga nagtataguyod ng karapatang pantao. Rurok ito ng kawalanghiyaan at garapalang pagiging pasistang terorista at anti masa ng rehimen na patuloy na nangangayupapa sa pagiging tuta Imperyalismong U.S.

Umabot na sa mahigit 700 ang pinaslang sa kanyang paghahari. May 110 na pinatay sa loob lamang ng taong ito liban pa sa mga dinukot, idinetene at nawawala o hindi man lamang makita bagamat ito ay nasa poder ng militar. Kamakailan pinatay nila ang babaeng Lider sa Isabela na si Marissa Castillo, lier ng ANAKPAWIS at ng balangay ng KMP sa Echague, Isabela. Sinunog din ng militar ang isang istasyong ng radyo ng mga magsasaka sa Baggao, Cagayan at pinatay din ang progressibong Mayor ng Ilagan, Isabela Delfinito Albano sa Maynila.

Walang pakiaalam ang rehimen kahit umani na ito ng maraming pagkondena mula sa Amnesty International, mula sa samahan ng mga
obispo o CBCP at maraming pang organisasyong nagtataguyod ng karapatang pantao sa Pilipinas at ibayong dagat. Hangad lamang nito na manatili sa kapangyarihan at gayahin ang pagiging diktador ni Marcos.

Gumagawa ito ng sariling rekod na higitan pa ang pagiging pasistang diktador ni Marcos. Ang kaibhan nga lamang ginawang legal ni Marcos ang kanyang batas militar, si Arroyo nagtatangkang gawing legal ang pagpapairal ng batas militar sa garapal na paraan. Subalit patuloy siyang binibigo ng mga mamamayan.

Tulad ni Marcos nakahanda na ang hatol ng masa at ng kasaysayan sa kanyang paghahari. Kung gaano katagal, nasa pagkilos na lamang at mga sirkumstansya ng hinaharap na panahon ang kapasyahan. Walang kahahatungan ang mga abuso at pagmamalabis ng rehimen laban sa bayan kundi ang humantong sa dapat kasapitan ng lahat ng mga palalo at mapagmalabis—ang basurahan ng kasaysayan!

Patalsikin ang Pasista at Papet na Teroristang Rehimeng Arroyo!

Hulyo 20, 2006

Add Your Comments
We are 100% volunteer and depend on your participation to sustain our efforts!

Donate

$230.00 donated
in the past month

Get Involved

If you'd like to help with maintaining or developing the website, contact us.

Publish

Publish your stories and upcoming events on Indybay.

IMC Network