top
US
US
Indybay
Indybay
Indybay
Regions
Indybay Regions North Coast Central Valley North Bay East Bay South Bay San Francisco Peninsula Santa Cruz IMC - Independent Media Center for the Monterey Bay Area North Coast Central Valley North Bay East Bay South Bay San Francisco Peninsula Santa Cruz IMC - Independent Media Center for the Monterey Bay Area California United States International Americas Haiti Iraq Palestine Afghanistan
Topics
Newswire
Features
From the Open-Publishing Calendar
From the Open-Publishing Newswire
Indybay Feature

Labanan Ang Tumitinding Anti-Komunistang Atake at Pasistang Panunupil

by Vener Malabanan (magsasakapil [at] hotmail.com)
Tunay na garapal, walang pakundangang umatake na naman ang mga pasistang alagad ni Gloria Arroyo. Walang awang pinaslang nito ang isang magiting na tagapagtaguyod ng mga magsasaka sa Laguna, si Ka. Noli Capulong, lider ng BAYAN MUNA sa Laguna.

Lantarang niyuyurakan ng mga kampon ng militar at pulisya ang demokrasya habang nagmamaang-maangang walang alam ang taga-utos ng pagpatay na si GMA na siyang namahahala sa Cluster-E, hinggil sa seguridad na kasama ang sabwatang Ermita, duwetong Norberto at Raul Gonzales at mga Heneral ng AFP Senga at PNP Lumibao na pawang mga batikang opisyal paniktik na utak ng mga pagpatay na ito.
Labanan Ang Tumitinding Anti-Komunistang Atake at Pasistang Panunupil ng Rehimeng-US-Arroyo

Los Angeles ---Tunay na garapal, walang pakundangang umatake na naman ang mga pasistang alagad ni Gloria Arroyo. Walang awang pinaslang nito ang isang magiting na tagapagtaguyod ng mga magsasaka sa Laguna, si Ka. Noli Capulong, lider ng BAYAN MUNA sa Laguna.

Lantarang niyuyurakan ng mga kampon ng militar at pulisya ang demokrasya habang nagmamaang-maangang walang alam ang taga-utos ng pagpatay na si GMA na siyang namahahala sa Cluster-E, hinggil sa seguridad na kasama ang sabwatang Ermita, duwetong Norberto at Raul Gonzales at mga Heneral ng AFP Senga at PNP Lumibao na pawang mga batikang opisyal paniktik na utak ng mga pagpatay na ito.

Sa kabilang panig, magtatatlong buwan nang nakakulong si Ka. Crispin Beltran ng Partidong ANAKPAWIS. Sa kabila ng utos ng hukumang palayain ito at mga desisyon ng Korte Suprema, natataingang kawali si GMA at ang mga alagad nito at patuloy na binibimbin si Ka Bel sa ospital.

Walang lubay pa rin ang pagpatay, pagdukot at pananakot ng mga ahenteng militar sa mga lider at aktibista ng demoratikong kilusan. Mas matindi pa ito at halos pareho ng panahon ni Marcos. Paano maniniwala ang taumbayan kung ang diumano'y nagpatupad ng batas ay siyang unang-unang hindi sumusunod sa batas at lumalabag sa batas? Sawa na ang mga tao sa mga inuutos ni GMA na imbestigasyon dahil walang mangyayari dito.

Lalong nakakasuklam ang pabalat bunga ng militar tulad ng diumano'y ang mga pinatay nila ay may may kamag-anak na militar tulad ni Cris Hugo na ang ama ay isang pulis at ngayon si Noli Capulong na diumano'y tiyuhin ni dating Heneral Homer Capulong ng 502 Bde PA. Ano ang ibig nilang sabihin? Nais pa ba nilang sabihin na isa itong dahilan kung bakit namatay ang mga taong ito?


Talagang nawalan na lubos na kahihiyan ang mga tagapagsalita ng AFP at pulisya at mga alagad at mismong si Arroyo. Hindi lamang sila ubod ng duwag. Ang kaya lamang nilang patayin ay ang mga walang laban na sibilyan. Hindi lamang sila ay mga saksakan ng sinungaling. Ang masama pa, manhid na rin sila- sina Heneral Cabuay ng SOLCOM, Heneral Palparan, Col. Kison. at tuluyang nawalan na ng saysay ang kanilang pagkatao. Ang kaibhan lang nila sa mga mamatay taong kriminal ay nakaunpirme sila at kuwnang mga alad ng batas!

Sa kabilang panig, lubos na ikinagagalak ng Pesante-USA ang misyong pagsisiyasat ng itinaguyod ng Gabriela at ng National Lawyers League (NLG) isa sa mga grupong kabilang sa National Steering Committee ng International ANSWER dito sa Amerika na magsisiyasat sa mga pagpatay na nagaganap sa mga lider progressibo sa Pilipinas. Umaasa kaming magiging matagumpay ito. Kamakailan dinalaw nila si Ka. Bel sa ospital.

Malapit nang malampasan ng Rehimeng US-Arroyo ang pasistang diktadurang Marcos sa anti-komunistang pagatake nito laban sa demokratikong kilusang masa. Kung inaakala ni GMA na sa pagatake niya sa kilusang masa ay madudurog niya ang kilusan, malaking pagkakamali ang kanyang ginagawa. Kung nasisiyahan ang kanyang among imperyalista sa kanyang anti-komunistang krusada, lalo lamang mamumuhi ang masa sa kanyang mga kasuklam-suklam na krimen.

Tiyak na mas masahol pa sa sinapit ni Marcos at Estrada ang kanyang kahihinatnan. Malamang danasin niya ang mga sinapit ng mga malulupit at walang pusong pasista tulad nina Ngo Dinh Diem ng Byetnam, Somoza ng Nicaragua, Pak Chung Hee ng Timog Korea at iba pang itinakwil ng kanilang sariling kababayan!

We are 100% volunteer and depend on your participation to sustain our efforts!

Donate

$230.00 donated
in the past month

Get Involved

If you'd like to help with maintaining or developing the website, contact us.

Publish

Publish your stories and upcoming events on Indybay.

IMC Network