top
Anti-War
Anti-War
Indybay
Indybay
Indybay
Regions
Indybay Regions North Coast Central Valley North Bay East Bay South Bay San Francisco Peninsula Santa Cruz IMC - Independent Media Center for the Monterey Bay Area North Coast Central Valley North Bay East Bay South Bay San Francisco Peninsula Santa Cruz IMC - Independent Media Center for the Monterey Bay Area California United States International Americas Haiti Iraq Palestine Afghanistan
Topics
Newswire
Features
From the Open-Publishing Calendar
From the Open-Publishing Newswire
Indybay Feature

Bukas na liham sa mga guro hinggil sa tropang Amerikano sa Pilipinas

by CONTEND-UP
Malugod naming iniimbitahan kayo at ang mga estudyante ninyo na dumalo
sa isang forum at paglulunsad ng kampanya laban sa Balikatan Exercises
at panghihimasok ng tropang U.S. sa Pilipinas. Pinamagatang U.S. TROOPS
OUT!


Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy
University of the Philippines (CONTEND-UP)
c/o Siao Campoamor, Rm 3009, Bulwagang Rizal (Faculty Center)
University of the Philippines, Diliman, Quezon City

31 Enero 2002

Kapwa guro:

Malugod naming iniimbitahan kayo at ang mga estudyante ninyo na dumalo
sa isang forum at paglulunsad ng kampanya laban sa Balikatan Exercises
at panghihimasok ng tropang U.S. sa Pilipinas. Pinamagatang U.S. TROOPS
OUT! umaasa kami na sa tulong ng pakikisangkot at pakikipagtalastasan
ng mga guro, estudyante, at mga piling tagapagsalita, mabibigyang-linaw
ang mga krusyal na usapin hinggil sa pagpasok at pananatili ng mga
tropang Amerikano sa ating bansa. Kabalikat namin sa proyektong ito
ang Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) at ang Portia Sorority ng U.P.
College of Law.

Sa kasalukuyan, meron nang halos isandaang sundalong Amerikano sa
Mindanao at 400 sa Nueva Ecija. Inaasahang papasok sa iba’t ibang
bahagi ng bansa ang mahigit 600 hanggang 1,000 sundalong Amerikano
bilang pagtugon sa tinaguriang Balikatan Exercise (War Games) na
magtatagal nang anim na buwan hanggang isang taon. Tinatayang
pinakamalaking pagtatalaga ito ng pwersang Amerikano labas sa
Afghanistan. Mahalagang usapin ito dahil malaki ang implikasyon nito
sa ating pambansang soberanya at teritoryal na integridad.

Gaganapin ang talakayan sa darating na 1 Pebrero 2002, Biyernes, sa
ganap na 8:30 ng umaga hanggang 12 ng tanghali, sa Malcolm Theater,
U.P. College of Law. Inaasahang dadalo bilang mga pangunahing
tagapagsalita sina Vice President at DFA Secretary Teofisto Guingona at
Senator Sergio Osmeña. Magsisilbi namang reaktor sina Sister Mary John
(Tagapangulo ng Gabriela), Cong. Apolinario Lozada, at Capt. Danilo
Vizmanos PN (Convenor ng Junk VFA Movement at ng Justice not War
Coalition). Nakatalagang maging modereytor si Teodoro Benigno.

Lubos kaming umaasa sa inyong pakikiisa sa napakahalagang talakayan at
paglulunsad na ito.

Maraming salamat po!


Gumagalang,

GONZALO A. CAMPOAMOR II
Campaign Officer

We are 100% volunteer and depend on your participation to sustain our efforts!

Donate

$140.00 donated
in the past month

Get Involved

If you'd like to help with maintaining or developing the website, contact us.

Publish

Publish your stories and upcoming events on Indybay.

IMC Network